Thursday, December 09, 2004

Sa Lalawigan Ng Laguna

Sa lalawigan ng Laguna
doon ay nagpantasya.
Na kanyang makikita
lugar na magaganda.
At at tuwina'y makakasama
isang masayang pamilya.

Kaya sa St Paul College of Manila
Nag- aral nagpakadalubhasa
Doon nagtapos ng Sikolohiya
para maabot mas mataas pa
Pangarap na maging doktora
pangako pati sa dakilang ina.

Lumipas ang isang dekada
nagkaroon ng ibang pag asa
Hong Kong China at Singapura
pinalad doon tumira
Kasama sariling pamilya
nabuhay parang mag barkada

Minsan sa lalawigan ng Laguna
binalikan buhay na kay saya
Masarap na hangin ay nadama
pati na mainit na pagsasama
Lahat yan nakamit at nakuha
sa pag balik sa bayang maganda.

Ngayon muling umaasa
Sa paskong ubod ng dakila
Pamilyang matagal di nakita
at inang sa kanya'y lumuluha
Nais na mahagkan muling makasama
Sana ay makauwi bulubunduking Laguna.

1 comment:

Anonymous said...

kelan tayo uuwi?